PAPANIMULA/KALIGIRAN
|
Ayon kay Frauline Tadle (2012), sa pagdaan ng mga taon ay kapansin-pansin na tila ba ay araw-araw at tuloy-tuloy ang pag-unlad ng teknolohiya. Bilang bahagi ng lumalago at lumalawak na industriya, kaliwa't kanan ang paglabas ng mga produkto tulad ng mga cellphone mula sa Samsung at laptop mula sa Apple. Sa kasalukuyan, ito na ang mga kagamitang unti-unting pumapalit sa tradisyunal na mga kompyuter na may keyboard, monitor, CPU at mouse. Sa kabila ng lahat ng pagbabagong ito, hindi pa rin nito tuluyang mapapalitan ang telebisyon bilang isang pangunahing paraan ng telekomunikasyon.
Ayon sa Limited Effects Theory (1940-1950),
ang mga tao ang pumipili ng kanilang mga tatangkiliking palabas sa telebisyon.
Napili ang tao ng kanyang mga gustong panoorin batay sa kanilang mga
paniniwala, opinion at lalo’t higit ay batay sa kanilang kagustuhan. Sa
panahon ngayon, halos lahat ng tao ay kayang magbago para lang makisabay sa
mga sumisikat na bagay na kung tawagin sa ingles ay “trend”; at sa bagay na
ito, madalas mga kabataan ang sumusunod upang hindi sila mahuli sa mga bagay
na sumisikat ngayon, at kasama na dito ang paggamit ng mga salitang hindi
naman nila alam ang kahulugan.
Ang telebisyon sa Pilipinas ay
gumagamit ng lingua franca o
pinaghahalong tagalog at ingles upang mas maintindihan ng mga manonood ang
mga impormasyon at mensahe na kanilang hatid. Kung kaya’t nakakalikha din ang
iba’t ibang programa sa telebisyon ng mga salitang tinatangkilik ng masa at
lalong higit ng mga kabataan, sa pamamamagitan ng mga sikat na personalidad. Isang
halimbawa nito ay ang mga variety shows kagaya ng Showtime at Eat Bulaga na
may mga salitang pinapauso na patok na patok sa masa. Katulad na lamang ng PBB
Teens, havey at puchu-puchu na pinauso ng personalidad na si Vice Ganda ng
Showtime at Dabarkads naman na pinauso ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga.
Dahil sa mga salitang ito ay mabilis na lumalago ang bokabularyong Filipino.
Kalakip ng paglagong ito ay ang unti-unting paghina ng mga Pilipino sa pormal
at tamang pag-gamit ng salita na maaaring maka-apketo sa larangan ng
pakikipagtalastasan sa lipunan na maaring pagsimulan ng sigalot.
|
MUNGKAHING
TITULO O PANGALAN NG GAWAIN
|
Wikang
Pang-Telebisyon: Alamin at Unawain
Tungo sa Mabisang Pakikipagungayan
Nasasaad sa mungkahing titulo na
sa pamamagitan ng pag-unawa at pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wikang
pang telebisyon ay matatamo ang mabisang pakikipagunayan. Ipinakita din sa
panimula ng konseptong papel na ito na nakakaapekto ang kaalaman natin sa mga
salitang ating ginagamit sa paraan ng ating pakikipagtalastasan at isang
halimbawa nito ay ang mga salitang ating natututunan mula sa iba’t ibang
variety shows sa telebisyon. Samakatuwid kung ang bawat isa ay magkakaroon ng
maayos na paraan ng pakikipagtalastasan, kapayapaan at pagkakaisa ay
makakamit na siyang magiging simula ng isang matatag at nagkakaisang bansa.
|
RASYUNAL,
MITHIIN AT MGA LAYUNIN
|
Ayon kay Frauline Tadle (2012), mayroong dalawang pangunahing channel ng telebisyon sa Pilipinas: ABS-CBN at GMA. Ang paglawak ng tema ng mga palabas sa telebisyon ay iniaayon ng mga nasabing kumpanya batay sa ninanais at tingin nila ay kailangan ng mga manunuod. Ilan dito ay News and Public Affairs, Sitcom, Reality, Drama Series, Foreign, Talk at Variety Shows. Dahil ang mga ito ay pawang tugon ng mga istasyon sa hiling ng kanilang mga viewers, ang pagiging malapit nito sa madla ay tila ba isang epekto nito. Hindi kataka-takang nagawa nitong maipluwensiyahan ang paraan ng pamumuhay ng masa, lalo na ang wika. Mababakas ito sa pang-araw-araw nating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Ang mga salita, parirala o kataga na ito na pinasikat ng mga personalidad sa telebisyon ay naging bahagi na ng ating verbal na komunikasyon sa kabila ng kakulangan natin ng kaalaman hinggil sa etimolohiya ng mga ito. Isang kongkretong patunay dito ang mga variety shows katulad ng Eat Bulaga ng GMA at Showtime ng ABS-CBN. Ang layunin lamang ng mga variety shows na ito ay bigyang aliw ang mga tao habang kumakain ng tanghalian subalit kasabay ng modernisasyon ay may mga salitang nauuso sa mga variety show na mabilis namang nakakaimpluwensya sa bokabularyo ng mga tao lalo na sa mga kabataan. Dahil sa mga pinapauso ng variety shows na ito, napaghahalo ang mga salitang Ingles at Filipino, na nagiging dahilan upang magkaroon ng mga panibagong salita. Isang halimbawa nito ay ang salitang “nahook” na ang ibig sabihin ay nahumaling. Isa pa ay pinapa-ikli nito ang mga mahahabang salitang Filipino, katulad na lamang ng salitang “Ansaveh” na nagmula sa pariralang “Anong masasabi mo doon?” Ilan lamang yan sa mga pinausong salita ng mga variety show. Kung ating mapapansin ay maaring ang iba ay alam ang ibig sabihin ng mga salitang ito subalit may iba din naman na hindi nakakaalam kung kaya’t kapag ang kausap mo ay hindi alam ang mga salitang ito o di kaya ay mali ang pagkakagamit mo ng salita ay maaaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ninyong dalawa na maaaring pagsimulan ng kaguluhan. Kung kaya’t ito ang nais bigyang pansin ng konseptong papel na ito sapagkat ang isyung ito ay laganap sa ating lipunan at lalong higit sa kabataan. Ang isyung ito ay mahalagang pagtuunan ng pansin, sapagkat kapag nagpatuloy ang isyung ito ay maaaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang bawat isa dahil madaming tao ang gumagamit ng mga salitang galing sa telebisyon kahit hindi naman alam ang kahulugan nito, sa madaling salita ay nakikiuso lamang. Kung kaya’t dapat na itong wakasan upang hindi na lalong lumala at maka apekto sa susunod na henerasyon.
Isa sa mga mithiin ng konseptong
papel na ito ay imulat ang masa at lalong higit ang mga kabataan sa tamang
pag gamit ng mga salitang kanilang natututunan mula sa mga variety show sa
telebisyon, sapagkat maaring ito ang maging susi para maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan ng bawat isa. Hangad din ng konseptong papel na ito na
mabigyan ng kaalaman ang bawat isa sa mga kahulugan ng mga salitang kanilang
natututunan sa telebisyon upang kanilang malaman kung angkop ba ang mga
salitang kanilang ginagamit sa tuwing makikipag usap sila sa iba gamit ang
mga salitang kanilang natututunan sa telebisyon.
Pangkalahatang
layunin ng konseptong papel na ito na maipakita kung papaano maaaring mapormalisa
ang wika sa mass telebisyon. Samantala, ang mga tiyak na layunin naman ay ang
sumusunod:
1. Tukuyin ang papel ng telebisyon sa pag-unlad
ng bokabularyong Filipino at alamin ang kahalagahan ng tamang paggamit ng
salita sa pamamagitan ng isang pagsisiyasat o pagtatanong sa mga estudyante.
2. Magkakaroon ng online survey tungkol sa
mga salitang natututunan sa telebsiyon at alamin ang kahulugan ng mga
salitang ito.
3. Bubuo isang glosaryong pang telebisyon na
naglalaman din ng mga salita na nauso mula sa telebisyon at mga kahulugan
nito. Ang mga salitang ilalagay sa glosaryong ito ay nakabatay sa survey na
gagawin.
4. Magkakaroon ng paligsahan tungkol sa
paramihan ng alam na salita mula sa telebisyon at tamang kahulugan nito.
|
DISENYO
NG PROYEKTO: ADBOKASIYA
|
Ang unang proyekto ng adbokasiyang
ito ay ang pagsisiyasat o pagkalap ng impormayon, kami ay magtatanong sa mga
piling estudyante upang makakuha ng datos na aming kinakailangan. Ang mga
katanungan ay naka pokus sa papel ng telebisyon sa pag-unlad ng bokabularyong
Filipino at sa tamang paggamit ng nito. Sa pamamagitan nito ay magiging bukas
ang isipan ng mga estudyante sa papel ng telebisyon sa kanilang mga
bokabularyong ginagamit sa pang araw-araw. Pangalawa ay ang pag gawa ng
online survey tungkol sa mga mga salitang nauusao sa telebisyon. Ito ang
magiging unang hakbang namin para sa ikatlong proyekto. Ang ikatlo naming
proyekto ay ang pagbuo ng isang glosaryong pang telebisyon na kung saan ito
ay naglalaman ng mga salita na nauso mula sa telebisyon at nakasaad din sa
glosaryong ito ang mga kahulugan ng mga salita. Ang mg salitang ilalagay ay mula sa online survey na aming gagawin at
ang ikalawa ay batay sa mga pananaliksik ng proponent. Ang glosaryong ito ay
makakatulong upang maiwasan ang mga pagkalito tungkol sa mga kahulugan ng mga
salitang nauuso sa telebisyon at ito ay makakatulong upang magkaroon ng isang
maayos na pakikipagtalastasan. Ang pang-apat na proyektong aming isasagawa ay
ang pagkakaroon ng isang paligsahan tungkol sa mga salitang nauuso sa
telebisyon at ang kahulugan nito. Ito ang magsisilbing ebalwasyon ng aming
adbokasiya sapagkat ang mga kalahok dito ay piling estudyant lamang na aming
bibigyan ng glosaryo. Kung kaya’t dito namin malalaman kung ang aming
adbokasiya ay epektibo. Ang mananalo sa larong ito ay bibigyan ng premyo.
|
BENEPISYO
AT INAASAHANG RESULTA
|
Matapos maisakatuparan ang mga
layunin, mithiin at mga proyekto ng adbokasiyang ito, inaasahan ang mga
sumusunod:
·
Inaasahan na mamumulat ang bawat isa
at lalo na ang kabataan sa mga kahulugan ng mga salitang nauuso, mula sa mga
variety shows sa telebisyon bago nila ito isama sa mga bokabularyong
ginagamit nila para sa araw-araw na pakikipagtalastasan.
·
Inaasahang hindi na magiging hadlang
ang mga salitang natututunan sa telebisyon sa maayos na pakikipagugnayan sa
iba. Sa pamamagitan nito ay makakamit ang pagkakaisa at kapayapaan sapagkat
mas magkakaintindihan na ang bawat isa
·
Inaasahan na sa pamamagitan ng
paligsahan na lalahokan ng ilang kabataan ay malalaman natin kung ilan nga
lang ba ang mga may alam ng tamang paggamit ng mga salitang nauuso mula sa
telebisyon. Sa pamamagitan nito ay mapagtatanto ng iba pang kabataan na bago
nila gamitin ang salitang kanilang naririnig mula sa telebisyon ay dapat
munang alamin at unawain.
|
Linggo, Setyembre 27, 2015
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Maayos ang pagkakalahad ng adbokasiya at nabigyang-diin ang mga layunin, mithiin at mga proyekto ng adbokasiya sa konseptong papel na ito. Makatotohanan ang mga dahilan kung bakit karamihan sa mga Pilipino lalo na sa mga kabataan ang mahina sa pormal at tamang pag-gamit ng wika. Ngunit, nakulangan ako sa mga halimbawa ng nagbibigay ng mga di-pormal na salita dahil ang nailahad lamang nila ay ang "Showtime" at "Eat Bulaga" na mga "variety shows" lamang; nakasaad sa "Rasyunal, mithiin at layunin" na ang News and Public Affairs, Sitcom, Reality, Drama Series, Foreign, Talk shows ay nakakaapekto o naiimpluwensyahan ang wika at hindi mga Vareity shows lamang kaya't nararapat lamang na bigyan din nila ng halimbawa ang mga nasabing palabas sa telebisyon. Subalit, mahusay naman ang kabuuan ng konseptong papel na ito at sa tulong nito, marami ang magkakaroon ng kaalaman ukol sa wasto at pormal na paggamit ng wikang Filipino.
TumugonBurahinSumasangayon ako na kinakailangan lamang ng pag unawa sa mga wika na ginagamit sa telebisyon upang makamit ang mabisang pakikipag ugnayan sapagkat malaking impluwensiya ito sa makabagong henerasyon kung saan ang teknolohiya ay isang malaking parte nito.
TumugonBurahin